
Posibleng tumaas pa ang inflation na maitatala ngayong Abril.
Ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), inaasahang papalo sa 5.6 hanggang 6.4 percent ang inflation o bilis ng pagmahal ng bilihin at serbisyo sa bansa ngayong buwan.
Mas mataas ito kumpara sa 4.1 percent na naitala nitong Marso at 1.4 percent naman noong April 2025.
Sabi ng BSP, epekto ito ng mga serye ng pagtaas ng mga bilihin partikular ang produktong petrolyo.
Nakaapekto rin ang pagmahal ng bigas, isda, karne, singil sa kuryente at paghina ng halaga ng piso.
Sakabila nito, inaasahan din na bahagyang makakatulong sa paghupa ng inflation ang pagbaba ng presyo ng mga gulay at prutas.
Ayon sa BSP, patuloy nilang mino-monitor ang mga datos at ang sitwasyon sa Middle East sa epekto nito sa inflation at ekonomiya ng bansa.










