Monday, October 19, 2026

Biruan na “may pera sa basura”, naririnig umano mula sa mga kasamahan ng testigo ngayong lunes sa bail hearing para sa kasong plunder ni Romualdez

Humarap sa bail hearing ng kasong plunder laban kay dating House Speaker Martin Romauldez ngayong Lunes, October 19 si Police Major Alvin Alvaro Nuguid, isa sa mga dating closed security personnel ni dating Congressman Zaldy Co.

Ayon kay Nuguid, sa loob ng halos 2 taong panunungkulan ay nakita niyang inaakyat mula sa basement ng horrizons papunta sa units 56C at D sa Horrison Homes, sa Taguig, na umano’y pagmamay ari ni Co, ang 50 hanggang 60 piraso ng maleta, habang 40 piraso naman nito ang umano’y nakita niyang ibinaba mula sa nasabing mga unit.

Gayunpaman ay wala umano siyang personal na kaalaman kung pera ba ang laman nito, pero naririnig niya umano na usap-usapan ng kaniyang mga kasamahan ang tungkol sa “special tasking” at biruan na “may pera sa basura” mula noong 2024; habang personal niya namang nakita ang mga maletang dumarating sa units noong September 2024.

Gayunpaman ay hindi umano nakita ni Nuguid na binibilang ang pera, hindi alam kung saan ito galing at dadalhin, at hindi rin umano siya tumutulong sa pagbubuhat nito, dahil focus lang siya sa pagbabantay sa seguridad ni Co sa labas ng mga unit.

Dagdag pa rito, hindi rin umano maitanong ni Nuguid kay Co kung ano ang laman at para saan ang mga maleta dahil hindi umano sila nito kinakausap, kahit isa siya sa closed security nito, maliban na lang kung magbibigay ito ng pang-meryenda.

Sa kabilang banda, nakita umano isang beses ni Nuguid, na dinalaw ni dating House Speaker Martin Romualdez si Co noong 2025, nang tanggalin ito bilang chairperson ng committee on approproations ng Kamara, gayunpaman ay hindi niya alam kung ano.

Facebook Comments