DALAWANG HVI, ARESTADO SA MAGKAHIWALAY NASEARCH WARRANT OPERATION SA DAGUPAN; ₱61,200 HININIHINALANG SHABU, NASAMSAM

Dalawang hinihinalang high-value individual o HVI ang naaresto sa magkahiwalay na search warrant operation ngDagupan City Police Office noong Oktubre 19, kung saan nasamsam ang hinihinalang shabu na nagkakahalaga ngkabuuang 61,200 piso at isang baril na walang serial number.

Unang isinagawa ang operasyon bandang ala-una at labinlimang minuto ng madaling-araw ng mga tauhan ng PoliceStation 5, kasama ang City Intelligence Unit, City Police Drug Enforcement Unit at City Investigation and DetectionManagement Unit, sa koordinasyon ng Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA Region 1.

Naaresto ang isang 43 anyos na lalaki na tinutukoy bilang HVI. Nasamsam sa kaniya ang limang sachet ng hinihinalangshabu na tumitimbang ng humigit-kumulang apat na gramo at nagkakahalaga ng 27,200 piso.

Nakumpiska rin ang isang kalibre .38 na revolver na walang serial number at may laman na limang bala at iba pang ebidensya.

Samantala, bandang alas-4:58 ng madaling-araw, nagsagawa naman ng ikalawang operasyon ang Police Station 3, kasamaang City Police Drug Enforcement Unit at City Intelligence Unit, sa koordinasyon ng PDEA Region 1.

Naaresto ang isang 46 anyos na lalaki na tinutukoy rin bilang HVI. Nasamsam sa kaniya ang limang sachet nghinihinalang shabu na tumitimbang ng humigit-kumulang limang gramo at may tinatayang halagang ₱34,000.

Sumailalim din sa medical examination ang dalawang suspek, habang isasailalim naman sa laboratory examination angmga nasamsam na droga at sa ballistic examination ang baril at mga bala.

Kasalukuyang nasa kustodiya ng Dagupan City Police Office ang dalawang suspek habang hinihintay ang pormal nainquest proceedings kaugnay ng mga paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 atRepublic Act 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments