
Bugbog ang inabot ng isang lalaki mula sa mga pulis ng Pasuquin Municipal Police Station.
Base sa nag-viral na post sa social media, humingi ng saklolo ang biktima matapos siyang atakihin ng hindi pa nakikilalang suspek.
Pero imbes na tulungan, pinagbubugbog pa umano siya ng ilang pulis at ikinulong pati ang kanyang menor de edad na kasama.
Kasunod nito, iniimbestigahan na ng Police Regional Office-1 at Ilocos Norte Provincial Police Office ang naturang insidente kung saan agad na ipinag-utos ni PRO-1 Regional Director PBGen. Lou Evangelista ang masusing pagsisiyasat.
Payo ni Evangelista sa netizens, huwag magpadalos-dalos at hayaang gumulong ang imbestigasyon dahil kanyang tinitiyak na mananagot ang sinumang mapatutunayang lumabag sa batas.