LALAKING NAHAHARAP SA KASONG RAPE, NASAKOTE SA LINGAYEN

Matagumpay na naaresto ng mga awtoridad ang isang lalaking kabilang sa mga most wanted persons sa lalawigan sa isinagawang inter-regional law enforcement operation noong June 3, 2026.

Kinilala ng Pangasinan Police Provincial Office (PPPO) ang suspek sa alyas na “Alison,” 24 anyos, na naaresto sa Barangay Poblacion, Lingayen, Pangasinan.

Isinagawa ang pag-aresto sa bisa ng Warrant of Arrest para sa kasong paglabag sa Article 266-A ng Revised Penal Code, na inamyendahan ng Republic Act No. 8353 o ang Anti-Rape Law of 1997.

Nakasaad sa warrant na walang inirekomendang piyansa para sa kanyang pansamantalang paglaya.

Ayon sa pulisya, ang suspek ay nakalista bilang Top 8 Provincial Most Wanted Person at Top 2 Municipal Most Wanted Person, dahilan upang maituring na mahalagang tagumpay ang kanyang pagkakadakip sa pinaigting na kampanya laban sa mga pinaghahanap ng batas.

Matapos ang pag-aresto, agad na isinailalim ang suspek sa kustodiya ng Baguio City Police Station para sa kaukulang dokumentasyon at iba pang legal na proseso. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments