LIBRENG SCREENING SA MATA, MULING BUBUKSAN SA DAGUPAN CITY

Muling isasagawa sa Dagupan City ang libreng screening sa mata sa Agosto 23, 2026 sa CSI Stadia, bilang bahagi ng Project Linaw Mata.

Ayon sa ulat, magsisimula ang registration alas-6 ng umaga hanggang alas-12 ng tanghali at kailangan lamang magdala ng valid ID ang mga nais magpasuri.

Kabilang sa mga eye condition na maaaring masuri ang cataract, pterygium o pugita, problema sa retina, pinaghihinalaang glaucoma, macular degeneration, droopy eyes at duling sa mga adult.

Alinsunod ang programa sa Sight Saving Month, sa pakikipagtulungan ng Dagupan City government, pribadong health service provider at ng naturang mall.

Hinikayat naman ng lokal na pamahalaan ang mga residenteng nais magpasuri na magtungo lamang sa Hall 3 ng CSI Stadia sa Agosto 23 sa oras ng registration. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments