Arestado ang isang 26 anyos na mangingisda na kabilang sa Top 10 Most Wanted Person sa municipal level sa isang operasyon sa Bolinao, Pangasinan nitong Agosto 19, 2026.
Isinagawa ang pag-aresto dakong alas-9 ng umaga ng mga tauhan ng Bolinao Municipal Police Station, bilang lead unit, katuwang ang Bayambang MPS.
Ayon sa pulisya, inaresto ang suspek sa bisa ng warrant of arrest kaugnay ng kasong Rape by Sexual Assault, paglabag sa Article 266-B ng Revised Penal Code, sa ilalim ng Criminal Case No. SCC-13626.
Inirekomenda para sa kaso ang ₱120,000 na piyansa.
Nahaharap din ang suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 7610 o Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act, na may ₱200,000 na inirekomendang piyansa.
Ang suspek ay residente ng Bayambang, Pangasinan, at kasalukuyang nasa kustodiya ng Bolinao MPS para sa kaukulang proseso. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments








