Wednesday, October 21, 2026

Senador, nanawagan na kay PBBM na pauwiin na ng bansa si Chinese Ambassador Jing Quan

Umapela si Senator Kiko Pangilinan kay Pangulong Bongbong Marcos na palayasin na sa bansa at pauwiin na sa China si Ambassador Jing Quan.

Sa Facebook post ni Pangilinan, sinabi niyang nasaksihan niya ang kakayahan ni Pangulong Marcos at alam niyang kayang paalisin ng bansa ang Chinese Ambassador.

Kung hindi ito gagawin ng presidente ay masasayang ang kakayahan nito.

Ipinunto ni Pangilinan na kung nagawa ng pangulo na ipadala si dating Pangulong Rodrigo Duterte sa The Hague, si Pastor Apollo Quiboloy at dating Speaker Martin Romualdez sa kulungan gayundin ang ideklarang iligal at ipasara ang mga Phillipine Offshore Gaming Operators (POGO) at igiit ang soberenya laban sa pangha-harass ng China, higit lalong kayang-kaya ni Pangulong Marcos na pabalikin ng China si Quan.

Inilarawan din ng senador ang Chinese Ambassador na mayabang, mapang-insulto, bastos, at walang galang na dayuhan.

Kabilang si Pangilinan sa mga senador na nagalit sa banta ni Quan na madaling matatalo ng China ang Pilipinas kung gagamitan nila ng pwersa.

Facebook Comments