PAMUMUKADKAD NG MGA DITA TREE, AGAW-PANSIN SA CAPITOL COMPLEX

Agaw-pansin ang unti-unting pamumukadkad ng mga Dita Tree na itinanim sa Capitol Complex, na hindi lamang nagbibigay-ganda sa paligid kundi nagsisilbi ring hakbang tungo sa mas luntian at maaliwalas na kapaligiran sa Pangasinan.

Kilala ang Dita Tree sa kakayahang umabot sa 40 metro ang taas at kayang mabuhay nang ilang dekada. Taglay nito ang maliliit na bulaklak na kulay dilaw na naglalabas ng kaaya-aya at mabangong samyo.

Taglay nito ang gandang nagbibigay-aliwalas sa pakiramdam at nagdudulot ng sariwang sigla sa mga napapadaan sa Capitol Complex.

Higit sa dagdag-gandang hatid nito, mahalaga ang bawat mga puno sa pagpapalamig ng kapaligiran at pagpapanatili ng biodiversity na nagbibigay-buhay sa kalikasan, kaya naman patuloy ang panawagan na magtanim at pangalagaan ang mga puno bilang ambag laban sa climate change.

Sa patuloy na paglaki at pamumulaklak ng mga Dita Tree, hindi lamang gumaganda ang kapaligiran kundi napagtitibay rin ang layunin para sa mas luntiang kinabukasan sa Pangasinan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments