
Pinabulaanan ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) ang naunang ulat na natumba o nadulas si Senador Jinggoy Estrada sa comfort room ng New Quezon City Jail.
Ayon kay BJMP Spox JSupt. Jayrex Bustinera, naglalakad si Estrada sa pasilyo habang naghahanda para sa kanyang court-ordered check-up nang makarinig umano ito ng pag-snap sa kanyang tuhod at makaramdam ng matinding pananakit.
Agad siyang inalalayan ng BJMP doctor at isinabay na rin ang pagpapasuri sa kanyang nakatakdang X-ray at consultation sa Cardinal Santos Medical Center.
Nilinaw ng BJMP na may pre-existing knee injury si Estrada bago pa siya makulong.
Ongoing pa ang kanyang check-up at hinihintay pa ang final diagnosis ng doktor.
Facebook Comments










