Monday, April 27, 2026

IKA-APAT NA ARAW NG OPERATION TULI 2026 SA ALAMINOS CITY, MATAGUMPAY

Naging matagumpay ang ika-apat na araw ng “Operation Tuli 2026,” isang taunang programang pangkalusugan na inihahandog ng pamahalaang lungsod ng Alaminos.

Pinangunahan ng Lokal na pamahalaan ang naturang inisyatiba na naglalayong magbigay ng libreng serbisyong medikal, partikular ang pagtutuli, bilang bahagi ng pangangalaga sa kalusugan ng mga bata.

Ayon sa ulat, patuloy na dinarayo ng mga magulang at kabataan ang programa dahil sa maayos at ligtas nitong pagpapatupad.

Sa pagtutulungan ng mga kawani ng City Health Office na nagsilbing katuwang sa pagsasakatuparan ng proyekto.

Inaasahan namang magpapatuloy pa ang nasabing aktibidad sa mga susunod na araw upang mas marami pang batang Alaminian ang mapaglingkuran. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments