Monday, April 27, 2026

LIBRENG MOBILE REGISTRATION, ILULUNSAD PARA SA MGA SAN CARLENEAN

Inanunsyo ng City Civil Registrar ng San Carlos ang iskedyul ng Mobile Registration para sa libreng serbisyo ng delayed registration of birth at iba pang mahahalagang dokumento, katuwang ang Philippine Statistics Authority (PSA).

Layunin ng programa na matulungan ang mga residente, partikular ang mga hindi pa rehistrado ang kapanganakan, na makakuha ng opisyal na dokumento nang walang bayad.

Kabilang sa mga serbisyong inaalok ang libreng tulong sa birth registration, pagbibigay ng Certificate of Live Birth (COLB), assistance sa National ID registration, at pagbibigay ng impormasyon hinggil sa mga batas sa civil registration.

Pinapayuhan din ang mga kalahok na tiyaking kumpleto ang kanilang mga kinakailangang dokumento upang mapabilis ang proseso.

Dagdag pa ng tanggapan, ang Mobile Registration ay bahagi ng patuloy na pagsisikap ng lokal na pamahalaan na mailapit ang serbisyong pampubliko sa komunidad at matiyak na bawat mamamayan ay may tamang pagkakakilanlan at rekord sa pamahalaan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments