
Karapatan ng publiko na malaman ang mahahalagang impormasyon tungkol sa kilos at mga biyahe ni Vice President Sara Duterte, lalo na kung may epekto ito sa serbisyo publiko.
Ito ang paalala ni Palace Press Officer Claire Castro matapos kuwestiyunin ang paghingi ni Duterte ng confidentiality kaugnay ng kumalat na travel clearance nito para sa planong pagbisita sa limang bansa.
Ayon kay Castro, natural lamang na matanong ng mamamayan tungkol dito habang humaharap ang bansa sa epekto ng tensyon sa Middle East at habang may isyung kinahaharap ang bise presidente tungkol sa umano’y ₱6.7 bilyong na kuwestyunableng transaksyon.
Gayunman, nilinaw ng palasyo na hindi haharangin ang kanyang biyahe dahil wala namang hold departure order laban sa kanya.
Ang tanong aniya ngayon ay kung bakit biglang nagbago ang pasya ng Bise Presidente at kung may kaugnayan ba ito sa “₱6.7 billion question.”










