LGU TAYUG KINONDENA ANG KALASWAANG PAGSAYAW NA NANGYARI SA BAYAN NA DAPAT AY MOTOR SHOW LAMANG

38
Mariing kinondena ng Lokal na Pamahalaan ng Tayug ang ginawang kalaswaan sa pagsasayaw at paghuhubad sa naganap na dapat ay motor show sa Tayug Gymnasium.
Ayon sa lokal na pamahalaan, ang permit na inisyu ng munisipyo sa Thai-Low Production na siyang organizer ng aktibidad ay para sa motor show lamang at wala nang iba pa.
Kumalat sa social media ang isang video na kung saan makikita ang malalaswang pagsayaw ng mga dumalo sa motor show.
Maliwanag na nilabag ng mga organizers at mga kalahok dito ang mga kaakibat na kondisyon sa paggawad ng permit at mga batas na nagpaparusa sa mga malalaswang gawain.
Samantala, ito ay hindi katanggap-tanggap at labag sa batas kung kayat nagsasagawa na ang mga otoridad ng imbestigasyon upang matugis ang mga dapat managot sa batas. | ifmnews
Facebook Comments