Wednesday, July 29, 2026

DSWD, hihingi ng P270 billion na pondo para sa 2027

Nasa P270 billion ang hihilingin ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na pondo para sa susunod na taon.

Ayon sa DSWD, malaking bahagi nito ang ilalaan para sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) at Assistance to Individuals in Crisis Situations (AICS).

Bahagi pa rin anila ito ng pagpapatatag ng programa ng pamahalaan alinsunod sa mga prayoridad na inilatag ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa kaniyang ikalimang State of the Nation Address (SONA).

Ayon kay DSWD Secretary Rex Gatchalian, 100 billion ang mapupunta sa 4Ps habang nasa P30 hanggang P60 billion naman ang para sa AICS Program.

Habang tututukan din aniya ang iba pang programa ng ahensiya gaya ng Walang Gutom Program, Pag-abot Program, Project Aruga, at iba pang insisyatibo para sa proteksiyon ng mga bata.

Samantala, plano rin ng kagawaran na magtato ng limang dagdag na regional residential facilities para sa rehabilitasyon ng mga batang nagkasala sa batas.

Facebook Comments