
Pinag-aaralan na ni National Bureau of Investigation o NBI Director Melvin Matibag na kasuhan ang isang news organization na naglabas ng fake news kaugnay ng pagmamay-ari umano nitong mansion sa California, USA.
Ayon kay Matibag, walang katotohanan ang lumabas na balitang nakapangalan sa kanya at ng asawang si Laguna Rep. Ann Matibag ang P72-million mansion sa US.
Ayon kay Matibag, isang kaso ng mistaken identity ang naturang balita dahil magkapareho lamang ang pangalan niya at ang asawa nito ang nagmamay-ari ng mansion.
Binili aniya ng mag-asawa ang ari-arian noong taong 2004, panahong hindi pa sila nagkakakilala ng kanyang asawa
Iprinisinta rin niya ang isang folder na naglalaman ng mga dokumentong nagpapatunay na hindi sa kanila ang ari-arian.










