Libjo, Dinagat Islands, niyanig ng Magnitude 5 na lindol

Niyanig ng magnitude 5.0 na lindol ang Libjo, Dinagat Islands alas-11:43 kagabi.

May lalim na 104 kilometers ang lindol at tectonic ang origin nito.

Naitala naman ang Intensity IV sa Libjo, Loreto at Tubajon Sa Dinagat Islands.


Intensity III sa mga bayan ng Basilisa at San Jose habang Intensity II sa Dinagat at Cagdianao sa Dinagat Islands; at sa Claver, Surigao del Norte.

Naitala naman ang Instrumental Intensity II sa Dulag, Leyte; Sogod at San Francisco sa Southern Leyte.

Ayon sa PHIVOLCS, walang inaasahang pinsala dahil sa lindol pero posible ang mga aftershock.

Facebook Comments