
Dead on the spot ang isang 70-anyos na lola matapos mabangga ng isang L300 na van sa lungsod ng Maynila.
Sa imbestigasyon ng Manila District Traffic Enforcement Unit (MDTEU), nangyari ang insidente sa Northbound ng Jose Abad Santos sa kanto ng Bamang Street sa Tondo.
Papatawid ang biktima ng mabangga ng L300 van na may plate number na NKG-8537.
Sa lakas ng impact, tumilapon at gumulong-gulong ng ilang metro ang lola kung saan nabagok ang ulo nito sa sementadong kalsada.
Mabilis na rumesponde ang mga tauhan ng Manila City Disaster Risk Reduction and Management Office (DRRMO) pero hindi na nagawang maisalba pa ang biktima.
Kusa namang sumuko ang driver ng van na nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting to homicide habang nananatili naman sa purenarya ang labi ng biktima.










