
Arestado ng mga operatiba ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG), kasama ang Food and Drug Administration (FDA), ang 2 indibidwal na ilegal umanong nagbebenta ng unregistered cooking oil sa Cagayan de Oro City.
Kinilala ang mga suspek na sina alyas “Rona,” may-ari ng nasabing establisyamento, at si alyas “Noli,” isang empleyado.
Sila ay naaktuhang nagbebenta ng mga cooking oil na hindi rehistrado sa mga kaukulang awtoridad.
Tinatayang nasa mahigit ₱1.5 million ang halaga ng mga nakumpiskang cooking oil.
Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Republic Act No. 9711 o Food and Drug Administration Act of 2009, Republic Act No. 7394 o Consumer Act of the Philippines, at Republic Act No. 10611 o Food Safety Act of 2013.
Facebook Comments










