Ipinagkakaloob ang libreng bigas sa mga bangus grower sa Dagupan City na naapektuhan ng naitalang pagkamatay ng mga isda o fish mortalities sa ilang fishpens sa lungsod.
Sa pamamagitan ng programa ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., layon ng lokal na pamahalaan na makapagbigay ng agarang tulong sa mga magbabangus na nakaranas ng pagkalugi sa kanilang kabuhayan.
Kasabay ng pamamahagi ng libreng bigas, isinusulong din ang pagkakaloob ng angkop na subsidy at iba pang suporta upang matulungan ang mga apektado na makabangon at maipagpatuloy ang kanilang kabuhayan.
Sa pangunguna ng City Agriculture Office, isinasagawa ang assessment at validation upang matukoy ang mga apektadong magbabangus, kasama ang pakikipag-ugnayan sa mga kinauukulang ahensya para sa karagdagang tulong.
Tiniyak ng lokal na pamahalaan na patuloy na tutugunan ang pangangailangan ng mga apektadong bangus grower sa kabila ng limitadong lawak ng naitalang pinsala. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣








