KAALAMAN SA CIVIL REGISTRATION LAW,PINALALAWAK SA PAMAMAGITAN NG SYMPOSIUM SA ALAMINOS CITY

Pinalawak ang kaalaman ng mga kawani ng pamahalaan sa mga batas, proseso at mahahalagang usapin sa civil registration sa isinagawang “Kasali Kami! Symposium on Civil Registry” sa Alaminos City.

Isinagawa ang aktibidad bilang bahagi ng pagdiriwang ng ika-37 National Statistics Month, sa pangunguna ng City Civil Registry Office sa pamumuno ni City Civil Registrar Lovely De Castro-Milles, kasama ang iba’t ibang ahensya ng pamahalaan.

Nagsilbing tagapagsalita si Karen Grace V. Ilano mula sa Local Civil Registry Office ng Bugallon, na nagbahagi ng kaalaman hinggil sa Civil Registration Law at sa mga prosesong dapat unawain sa pagpaparehistro ng mahahalagang pangyayari sa buhay ng isang tao.

Kabilang sa mga lumahok sa symposium ang mga kawani ng Department of Education (DepEd), mga barangay secretary, barangay health worker at mga kinatawan ng iba’t ibang ahensya ng pamahalaan.

Nagpahayag naman ng suporta sa programa si Alaminos City Mayor Arth Bryan C. Celeste.

Dumating rin ang ilang opisyal bilang tanda ng suporta sa programa.

Layon ng symposium na palalimin ang pag-unawa ng mga kawani at kinatawan ng mga ahensya sa tamang pagpaparehistro at sa kanilang mga tungkulin sa pagpapatupad ng mga prosesong may kaugnayan sa civil registration. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments