Isang namang karangalan para sa ating lalawigan ang pagkilala sa isang centenarian mula sa bayan ng Barangay Baybay Aguilar bilang isang haligi ng pamilya at inspirasyon ng komunidad.
Suot ang kanyang magandang bistida, masayang ipinagdiwang ni Anay Pascuala Labrador Basi ang kanyang ika-100 kaarawan noong May 15 sa kanilang tahanan kasama ang kanyang pamilya at mga mahal sa buhay.
Ayon sa kanyang apo sa tuhod na si Shiena, masaya at proud ang kanilang pamilya sa pag-abot niya sa ganitong edad, na hindi na rin kataka-taka dahil maging ang kanyang mga kapatid ay tinatamasa pa rin hanggang ngayon ang mahigit 100 taong gulang na pamumuhay. Dahil dito, isa siya sa nagsisilbing inspirasyon sa kanilang angkan dahil sa ipinapakita niyang lakas at tibay ng loob.
Malaki rin ang naging papel ng kanyang anak na si Ely sa pag-aaruga at pag-aasikaso kay Anay Cualing sa araw-araw.
Samantala pagpunta rin ang Provincial Social Welfare and Development Office upang personal na iabot ang cash incentive at plaque of recognition kay Anay Cualing bilang pagkilala sa kanyang pag-abot sa edad na isang daan.
Nawa’y patuloy na magsilbing inspirasyon ang kanyang mahabang buhay at maging patunay ng matatag na pananampalataya, wagas na pagmamahal ng pamilya at pagkalooban ng mabuting pamumuhay. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣





