DEPED DAGUPAN, INAASAHAN ANG PAGTAAS NG PERFORMANCE SA R1AA MATAPOS ITALAGA ANG LUNGSOD BILANG REGIONAL TRAINING CENTER

Inaasahan ng Schools Division Office (SDO) Dagupan City ang pagtaas ng performance ng mga atletang mula sa lungsod sa Regional Athletic Association (R1AA) kasunod ng pagkakatalaga sa Dagupan bilang Regional Training Center para sa gymnastics at swimming sa ilalim ng Philippine Sports Commission (PSC).

Ayon kay OIC Schools Division Superintendent Dr. Marciano U. Soriano, inaasahang mas mapapalakas ng bagong status ng lungsod ang paghahanda at pagsasanay ng mga kabataang atleta sa mga susunod na R1AA meet.

Ibinahagi niyang 43 kabataang atleta na kakatawan ng Dagupan ang sasabak sa Palarong Pambansa sa Agusan del Sur ngayong taon.

Giit niya, ang mga programang ipatutupad sa ilalim ng training center ay inaasahang makapanghikayat ng mga mag-aaral na lumahok sa mga sports tulad ng gymnastics at swimming.

Samantala, ayon naman kay PSC Commissioner at Olympian na si Walter Francis Torres, malaki umano ang potensyal ng mga atleta lungsod sa gymnastics dahil sa mga panibagong equipment at pasilidad sa pagsasanay. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments