
Tuluyan nang sinibak sa serbisyo ng Philippine National Police (PNP) ang 7 mga tauhan nito na dating nakatalaga sa Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) matapos umanong nakawin ang pera na gagamitin sana bilang ebidensya sa kaso.
Kasama sa sinibak sa pwesto ang dating chief ng Anti-Organized Crime Unit at nagsilbing ring evidence custodian ng nasabing mga pera na si PLTCOL. Joey Arandia.
Sila ay guilty sa administratibong kaso na Grave Misconduct, Grave Dishonesty, at Conduct Unbecoming of a Police Officer.
Nabatid na nangyari ang nasabing operasyon noong October 2024 sa isang Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) hub sa Bataan kung saan nasa mahigit ₱141-M ang nakuha sa nasabing operasyon sa bisa ng search warrant dahil sa paglabag sa anti trafficking act of 2003.
Ngunit noong nakaraang taon nang naglabas ng order ang Korte para isauli ang pera para magamit na ebidensya sa nasabing kaso nadiskubre na kulang ito ng mahigit 13 milyong piso at pinalitan ito ng mga boodle money.
Kung saan sa inisyal na imbestigasyon ay pinaghati-hatian ng mga nasabing mga tauhan ng CIDG ang nasabing pera.










