Nagbigay ang Land Transportation Office (LTO) Region I ng libreng Theoretical Driving Course (TDC) para sa mga gustong matutong magmaneho at naghahanda sa pagkuha ng lisensya noong Setyembre 15 sa Alaminos City.

Isinagawa ang aktibidad sa OWWA Region I Serbisyo Caravan sa pamamagitan ng LTO Alaminos District Office.

Sa libreng TDC, itinuro ang mga pangunahing kaalaman tungkol sa kaligtasan sa kalsada at tamang pagmamaneho.

Nagkaroon din ng Quiz Bee tungkol sa road safety at mga serbisyo ng LTO, kung saan may simpleng premyo ang mga nanalo.

Kasabay nito, namahagi ang LTO ng motor vehicle plates at tumulong sa pagpaparehistro sa LTO online portal.

Sinagot ng tanggapan ang mga tanong at problema ng mga dumalo tungkol sa mga serbisyo ng LTO.

Dumalo sa aktibidad sina Alaminos City Mayor Arth Bryan C. Celeste at DMW Region I Director Christian Rey O. Sison.

Ang libreng TDC ay bahagi ng mga serbisyong ibinigay ng LTO sa caravan para sa mga naghahandang kumuha ng lisensya at iba pang nangangailangan ng serbisyo ng ahensya. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments