*LIBRENG ANTI-RABIES, INIHAHANDA PARA SA 3 BUWAN PATAAS NA ASO AT PUSA SA URDANETA CITY*

Inihahanda ang libreng anti-rabies vaccination para sa mga aso at pusang tatlong buwan pataas sa Urdaneta City sa Setyembre 24.

Gaganapin ang vaccination activity sa Urdaneta City Cultural and Sports Center simula alas-8 ng umaga bilang bahagi ng paggunita sa World Rabies Day.

May nakalaang libreng cat o dog food para sa unang 40 alagang hayop na mababakunahan.

Inaasahang maaaring dalhin ng mga pet owner ang kanilang mga aso at pusa na pasok sa itinakdang edad para sa libreng bakuna. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments