Libreng legal assistance para sa military at uniformed personnel na may kasong kinahaharap dahil sa serbisyo, ganap nang batas

Nilagdaan na bilang batas ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang panukalang magbibigay ng libreng legal assistance sa mga military at uniformed personnel na nahaharap sa mga kasong may kaugnayan sa kanilang tungkulin.

Sa ilalim ng RA 12177 o Free Legal Assistance for Military and Uniformed Personnel Act, sakop ng free legal assistance ang mga miyembro ng Armed Forces of the Philippines o AFP, Philippine National Police o PNP, Bureau of Fire Protection o BFP, Bureau of Jail Management and Penology o BJMP, Philippine Coast Guard o PCG, Bureau of Correction (BuCor), at NAMRIA.

Kasama rin dito ang mga retirado o honorably discharged kung ang kaso kinahaharap nila ay nag-ugat habang sila’y nasa aktibong serbisyo.

Alinsunod sa batas, inaatasan ang mga ahensya na magtalaga ng legal officers na magbibigay ng tulong sa loob ng 24 oras mula sa pagtanggap ng kaso.

Kabilang sa libreng serbisyo ang legal na representasyon, konsultasyon, paggawa ng legal documents, court fees, at notarization.

Makakatanggap din ng travel allowance at special counsel allowance ang mga government lawyer na magbibigay ng legal assistance.

Facebook Comments