Malacañang, hinimok ang publiko na gamitin ang health package ng PhilHeallth para sa mga sakit na makukuha ngayong tag-init

Inanunsyo ng Malacañang ang mga benepisyong maaaring mapakinabangan ng publiko ngayong tag-init sa ilalim ng health package ng PhilHealth.

Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, maraming mga sakit ang lumulutang ngayong ng tag-init tulad ng heat stroke, dehydration, typhoid fever, bulutong tubig, at sore eyes.

Nasa ₱7,000 hanggang ₱19,000 ang health package ng Philhealth sa mga naturang sakit na maaaring gamitin ng mga miyembro oras na kailanganin.

Sabi ng Palasyo, bahagi ito ng pagtutok ng pamahalaan sa kalusugan ng bawat Pilipino.

Facebook Comments