1,000 RESIDENTE SA DAGUPAN CITY, NAKATANGGAP NG TIG P5,000 CASH ASSISTANCE

Nakatanggap ng cash assistance mula sa Department of Labor and Employment ang isang libong residente ng Dagupan City sa ilalim ng TUPAD Program noong Abril 17, 2026.

Sa kabuuan, 500 benepisyaryo ang tumanggap ng tig-P5,050 matapos makumpleto ang 10 araw na trabaho, habang ang isa pang 500 residente ay nakatanggap ng tig-P10,100 para sa 20 araw na employment matapos sumailalim sa profiling.

Ang Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD) Program ay naglalayong magbigay ng pansamantalang trabaho at tulong pinansyal sa mga manggagawang apektado ng kakulangan sa hanapbuhay.

Sa pamamagitan ng programang ito, patuloy na inilalapit ng pamahalaan ang oportunidad at suporta upang makatulong sa pang-araw-araw na pangangailangan ng mga residente. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments