Libreng polio vaccine sa Valenzuela City, kasado na

18

Mga tatay at nanay sa valenzuela city, huwag ng magdalawang isip para pabakunahan ng libre ang inyong mga anak na limang taong gulang pababa.

 

Ilista o tandaan nyo na ang mga petsa na ito kung saan magbibigay ang valenzuela city government ng libreng bakuna laban sa polio.


 

Maliban sa house-to-house vaccination ay magkakaroon din ang valenzuela city government ng polio vaccination booths sa valenzuela city people’s park at valenzuela city family park.

 

Ito ay ngayong darating na:

October 26 (Sabado)

October 27 (Linngo)

November 30 (Sabado)

December 1 (Linggo)

December 7 (Sabado)

 

Ang libreng pabakuna sa nabanggit na mga petsa ay mula 8:00 ng umaga hanggang 8:00 ng gabi.

Facebook Comments

From Advertisers