Thursday, June 18, 2026

PNP, wala pang natatanggap na dokumentasyon kaugnay ng umano’y ICC warrants nina Senator Bong Go at 2 dating police officers

Sinabi ng Philippine National Police (PNP) sa isang pahayag na wala pa itong natatanggap na anumang opisyal na komunikasyon o dokumentasyon kaugnay ng umano’y panibagong ICC warrants.

Ang nasabing pahayag ay isinagawa matapos ang naging post ni Davao City 1st District Representative Paolo “Pulong” Duterte.

Ayon umano sa pinagkakatiwalaan nitong source ay mayroon nang naisyung International Criminal Court (ICC) warrants laban kay Senator Bong Go at sa dalawang dating police officers.

Ayon naman kay Philippine National Police-Public Information Office (PNP-PIO) Officer-in-Charge PCOL Allen Rae Co, sakali mang may naisyu nang warrant mula sa awtoridad at naproseso sa tamang legal channels ay ipatutupad ito agad ng PNP nang naayon sa batas.

Facebook Comments