Libreng sakay sa EDSA Bus Carousel, pinalawig

87

Inaprubahan ni President Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr., ang memorandum na isinumite ng Department of Transportation (DOTr) para sa extension ng libreng Carousel Bus rides sa EDSA.

Magiging libre rin ang sakay sa MRT-3, LRT-2, at PNR para sa mga estudyante sa pagbubukas ng klase sa August.

Layon nito na mabawasan ang pasanin ng pamilyang Pilipino.


Tatagal ang libreng sakay para sa mga estudyante hanggang sa November 2022.

Una rito nakipagpulong kay Pangulong Marcos ang transport officials sa pangunguna ni DOTr Secretary Jaime Bautista kasama si Executive Secretary Atty. Vic Rodriguez.

Facebook Comments