LIBRENG SAKAY NG LTO REGION 1, UMABOT NA SA IKATLONG LINGGO NG IMPLEMENTASYON

Nagpapatuloy sa ikatlong magkakasunod na linggo ang libreng sakay na inihahatid ng Land Transportation Office (LTO) Region 1, bilang bahagi ng kanilang inisyatiba na magbigay-ginhawa sa mga commuter sa La Union at Ilocos Sur.

Sakop ng programa ang mga rutang San Fernando City–Rosario, San Fernando City–Tagudin, at San Fernando City–Burgos, na araw-araw na pinagseserbisyuhan ng ahensya.

Mula Abril 20 hanggang 24, nakatakdang tumakbo ang libreng sakay sa umaga at hapon upang mas marami pang pasahero ang makinabang, lalo na ang mga regular na umaasa sa pampublikong transportasyon.

Ayon sa LTO Region 1, layunin ng programa na maibsan ang gastusin sa pamasahe ng mga mamamayan at maipakita ang patuloy na suporta ng ahensya sa mga mananakay, anuman ang galaw ng presyo ng produktong petrolyo. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments