Ilang beachgoers ang mas maaga ngayong nagpupunta at bumibisita sa dagat, tulad sa Lingayen dahil umano sa nararanasang init ng panahon.
Ang ilan sa mga bumisita, alas singko ng umaga o alas sais ng umaga nagpupunta upang hindi maranasan ang mainit na sikat ng araw at makapaglagi pa sa baybaying dagat.
Matatandaan na nitong nakaraang linggo, nakaranas ng matataas na heat index ang ilang bahagi ng Pangasinan.
Kaya naman tuloy-tuloy ang paalala ng awtoridad na mag-iingat lalo na sa mga oras kung saan nararamdaman ang mainit na panahon.
Samantala, paalala naman sa mga beachgoers na ugaliing pulutin ang mga basura na dala upang hindi nakakalat sa baybayin at maging maaliwalas ang paligid. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments










