Opisyal nang inilunsad ang Pigmented Rice Brew, isang alternatibong inumin mula sa powdered roasted red at brown rice, na gawa ng RiceBIS Bayambang Agriculture Cooperative (RBAC) noong Abril 21.
Sa isinagawang product launching, tasting, at evaluation, ipinakita ng kooperatiba ang mas malusog na alternatibo sa kape habang itinatampok ang ani ng mga lokal na magsasaka ng pigmented rice.
Kabilang sa mga katangian ng rice brew ang pagiging caffeine-free, walang preservatives, at mayaman sa natural antioxidants na inaasahang makatutulong sa kalusugan.
Kasabay nito, ginawaran din ng Philippine Good Agricultural Practices (PhilGAP) certificates ang mga benepisyaryong magsasaka bilang pagkilala sa pagsunod sa pamantayan ng maayos at ligtas na produksyon ng agrikultura.







