PNP, BFP AT MDRRMO, NAGSAGAWA NG RESCUE OPERATION SA BAYAMBANG

Nagsagawa ng rescue operation ang PNP, BFP, at MDRRMO sa Barangay Iton upang ligtas na mailikas ang mga residenteng naapektuhan ng pagbaha.

Katuwang din sa operasyon ang mga community volunteers, na tumulong sa maayos na paglikas ng mga residente mula sa mga binahang lugar patungo sa ligtas na lugar.

Isinagawa ang operasyon bilang agarang tugon sa pagbaha sa Barangay Iton, habang patuloy na minomonitor ng mga awtoridad ang sitwasyon at kahandaan para sa iba pang posibleng nangangailangan ng tulong. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments