Libreng Sakay, Serbisyong Tagumpay, Aarangkada sa Nueva Vizcaya

31
Cauayan City, Isabela-Magsisimula na sa July 2022 ang Libreng Sakay, Serbisyong Tagumpay” para sa mga PLGU workers ng Nueva Vizcaya.

Ayon kay Provincial Administrator Maybelle Blossom Dumlao-Sevillena, mahigit 200 empleyado ang inisyal na mabebenepisyuhan kapag nagsimula na ang Service Contracting Program Phase 4 ng Land Transportation and Franchising Regulatory Board (LTFRB).

Ani LTFRB Regional Director Edward Cabase, nasa P105 Million ang pondo para sa Service Contracting Phase 3 para sa “Libreng Sakay” Program sa mga commuters sa Cagayan Valley.

Dagdag niya, mahigit 4 million na mananakay na ang nabenepisyuhan nito sa rehiyon.

Facebook Comments