Tuesday, November 17, 2026

Paglagda sa panukalang “Batang Ligtas Act,” dapat pirmahan agad ni PBBM

Nananawagan si Akbayan Party-list Rep. Dadah Kiram Ismula kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr na agad pirmahan ang panukalang ‘Batang Ligtas’ Act na layuning protektahan ang mga bata laban sa online abuse.

Ayon kay Ismula, ang Batang Ligtas bill ay aprubado na ng Kongreso at Senado na layuning mapalakas pa ang batas para sa online safety ng mga kabataan.

Tiwala si Ismula na mapapa-igting ng panukala ang depensa laban sa Online Sexual Abuse or Exploitation of Children (OSAEC), grooming, at mga AI-manipulated abusive content.

Binanggit ni Ismula na itinatakda ng panukala ang pagkakaroon ng responsibilidad ng mga tech platforms, internet providers, at payment services para pigilan, tukuyin, ireport, hadlangan ang mga content na mapanganib sa mga kabataan.

Buo ang pag-asa ni Ismula na sa ilalim ng panukala ay wala ng kawala ang mga social media companies dahil sila ang may control kung sino nakakapasok at ano ang tine-takedown na content.

Facebook Comments