Tuesday, August 4, 2026

LIBRENG SURFING LESSONS, HATID SA MGA KABATAAN SA BONUAN BINLOC

Sino ang mag-aakala na maaaring maging surfing spot ang Barangay Bonuan Binloc? Patunay rito ang libreng surfing lessons na isinagawa ng Dagupan Surf Cooperative (DSC) para sa mga kabataan.

Sa tulong ng mga volunteer trainers, natutunan ng mga kalahok ang tamang surfing techniques, water safety, at iba pang pangunahing kasanayan sa surfing. Layunin ng programa na mahikayat ang mas maraming kabataan na subukan ang naturang sport.

Ayon sa DSC, ang mga alon sa Bonuan Binloc ay may potensyal para sa surfing. Hangad din ng grupo na mas maraming kabataan ang matutong magsurf at mas makilala ang barangay.

Nagpasalamat naman ang Dagupan Surf Cooperative sa mga volunteer trainers at sa mga opisyal ng Barangay Bonuan Binloc sa kanilang suporta sa pagsusulong ng water sports tulad ng surfing sa komunidad. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments