Pinangunahan ng Rural Health Unit (RHU) ng Mapandan, katuwang ang Municipal Environment and Natural Resources Office (MENRO), Municipal Social Welfare and Development Office (MSWD), mga kooperatiba, at pribadong grupo, ang aktibidad na naglalayong palawakin ang luntiang kapaligiran sa bayan.
Bitbit ang mga punla at kagamitan sa pagtatanim, sama-samang nagtanim ang mga kalahok bilang simbolo ng kanilang malasakit sa kalikasan at pangako na mag-iiwan ng mas maayos na kapaligiran para sa susunod na henerasyon.
Bahagi ang programa ng patuloy na adbokasiya ng lokal na pamahalaan ng Mapandan sa pangangalaga sa kalikasan.
Bukod sa pagpaparami ng mga puno, inaasahang makatutulong din ito sa pagpapanatili ng balanse ng ecosystem at sa paglikha ng mas ligtas na tirahan para sa iba’t ibang uri ng hayop.
Sa bawat punong naitatanim, mas lalo ring tumitibay ang mensahe na sa pamamagitan ng pagkakaisa ng komunidad, posible ang mas luntian at mas maunlad na kinabukasan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣








