DELIVERY OF NUTRITION OUTCOMES PROGRAM IMPLEMENTATION REVIEW AT CAPACITY BUILDING, ISINAGAWA SA SAN CARLOS CITY

Matagumpay na isinagawa ang Delivery of Nutrition Outcomes (Program Implementation Review) cum Capacity Building Activities.

Layunin ng programa na suriin ang mga naisagawang nutrition programs, talakayin ang mga hamon sa implementasyon, magbahagi ng mga epektibong pamamaraan, at bumuo ng mas mahusay na mga estratehiya upang higit pang mapabuti ang paghahatid ng mga serbisyong pangnutrisyon sa bawat barangay.

Bukod sa program implementation review, nagsilbi rin ang aktibidad bilang capacity building at open forum kung saan napalawak ang kaalaman at kasanayan ng mga kalahok sa planning, implementation, monitoring, at delivery ng dekalidad na nutrition services.

Binigyang-diin ng pamahalaang lungsod na ang patuloy na pagkatuto, maayos na koordinasyon, at sama-samang pagkilos ng mga lokal na opisyal at health workers ang mahalagang susi sa pagkamit ng mas magandang nutrition outcomes at mas malusog na pamayanan.

Patuloy na magsasagawa ang Lungsod ng San Carlos ng mga programang magpapalakas sa kapasidad ng mga nutrition implementers bilang bahagi ng layunin nitong makapaghatid ng episyente at dekalidad na serbisyong pangkalusugan para sa bawat mamamayan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments