Sa kanyang State of the Nation Address (SONA) noong Lunes, sinabi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na mahigit 26,000 toneladang bigas na ang naipamahagi sa higit 2.5 milyong pamilya.
Aniya, ipagpapatuloy ang programa hanggang maabot ang target na pitong milyong benepisyaryo.
Inilahad ng Pangulo ang pagpapalawak ng programa habang nananatiling isa sa mga pangunahing usapin ang mataas na presyo ng pagkain at iba pang pangunahing bilihin.
Bago ang SONA, ilang residente ng Pangasinan ang nagpahayag ng pangamba sa patuloy na pagtaas ng gastusin sa pagkain at iba pang pang-araw-araw na pangangailangan.
Bagama’t bumagal ang inflation sa lalawigan noong Hunyo 2026, sinabi ng ilan na hindi pa nila lubos na nararamdaman ang epekto nito sa kanilang araw-araw na pamumuhay.
Hindi naman nagbigay ng tiyak na panahon ang Pangulo kung kailan inaasahang maaabot ang target na pitong milyong pamilyang benepisyaryo ng programa. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣






