LIBRENG TULI AT MINOR SURGERY, MULING ISASAGAWA SA DAGUPAN CITY

Muling magsasagawa ng libreng tuli at minor surgery sa Dagupan City sa Mayo 30 hanggang 31 bilang bahagi ng medical mission para sa mga residenteng nangangailangan ng serbisyong medikal.

Gaganapin ang aktibidad sa West Central Elementary School mula alas-8 ng umaga hanggang alas-5 ng hapon sa pangunguna ng City Health Office katuwang ang isang charitable organization, volunteer doctors, nurses at iba pang medical partners.

Ayon sa mga awtoridad, layunin ng programa na mabigyan ng serbisyong medikal ang mga residenteng hirap makapagpagamot at makapagpaopera dahil sa kakulangan sa pera at limitadong access sa healthcare services.

Inaasahan ang pagdagsa ng mga magpapatingin at magpapatuli sa dalawang araw na aktibidad.

Nauna nang nagsagawa ng kahalintulad na libreng tuli at medical mission ang ilang bayan sa Pangasinan kabilang ang Binmaley at San Jacinto sa gitna ng mataas na gastusing medikal. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments