Naipasa na ang Enhanced Anti-Hospital Detention Bill sa buong Pilipinas, na nagbabawal sa mga ospital na pigilan o i-detain ang mga pasyente na medically cleared na dahil lamang sa hindi pa nila kayang bayaran ang kanilang hospital bill.
Pabor ang ilang Pangasinense sa panukalang Senate Bill No. 1511 o Enhanced Anti-Hospital Detention Bill, na naipasa na ng Senado sa third and final reading noong Agosto 17, 2026.
Nakakuha ang panukala ng 18 boto pabor, walang tutol, at isang abstention sa Senado.
Sa panayam ng IFM News Team sa ilang Pangasinense, sinabi nilang malaking tulong ang panukala sakaling tuluyang maging batas, lalo na para sa mga pamilyang kapos sa pera at hindi agad kayang bayaran ang gastusin sa ospital.
Ayon sa kanila, makatutulong ito upang hindi maging dagdag na pasanin sa mga pasyente at kanilang pamilya ang malaking bayarin para sa gamot, pagpapagamot, at maging mga operasyon.
Samantala, mahalagang tandaan na bagama’t nakalusot na sa Senado ang Senate Bill No. 1511, hindi pa ito ganap na batas. Kailangan pa nitong dumaan sa proseso sa House of Representatives bago tuluyang maisabatas.
Sa kasalukuyan, umiiral ang Republic Act No. 9439 o Anti-Hospital Detention Law, na nagbabawal sa pagpigil sa mga pasyente dahil lamang sa hindi pa nababayarang hospital bills, subject sa mga kundisyong itinakda ng batas.
Patuloy namang inaabangan ng publiko ang susunod na hakbang sa panukalang batas na naglalayong higit pang palakasin ang proteksiyon para sa mga pasyenteng nahaharap sa problema sa pagbabayad ng kanilang hospital bills.| 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments










