
Naghain ng supplemental complaint affidavit ang mga special panel of investigators ng Office of the Ombudsman laban kina dating House Speaker Martin Romualdez, dating Ako Bicol Party-list Representative Zaldy Co at ilan pang indibidwal kaugnay ng plunder, graft bribery at money laundering charges kaugnay ng maanomalyang flood control projects.
Nasa 104 na pahina ang pahina ng supplemental complaint affidavit.
Nilalaman nito ang mga bagong nakuhang dokumento, testimonya at iba pang mga ebidensya
Kabilang dito ang patungkol sa paghahatid ng mga pera, gaya ng male-maletang pera sa iba’t ibang lugar, ibang transaksyon at iba pa na may layong mapalakas ang isasampang kaso laban kina Romualdez at Co.
Aabot din umano sa 66 bilyon pesos ang nakuhang ill-gotten wealth mula 2022 hanggang 2025 bunsod umano ng sabwatan nina Romualdez at Co.
Matatandaan na sa nabanggit na panahon, sina Romualdez ang House Speaker habang si Co ang chairman ng Committee on Appropriations.










