Isang hindi sumabog na bala o unexploded ordnance (UXO) ang natagpuan ng isang residente sa kanyang bakuran sa Barangay Castano, Pozorrubio, Pangasinan, noong Hulyo 22, 2026.
Ayon sa Pozorrubio Municipal Police Station, agad na tumugon ang kanilang mga tauhan sa pangunguna ni PMAJ Jorlan P. Salcedo matapos makatanggap ng ulat tungkol sa nadiskubreng UXO.
Kinilala ang residenteng nakatuklas nito na si Rodolfo Toledo Bautista Sr.
Aniya, nadatnan niya ang nakabaong bala habang naghuhukay para sa pagtatanim sa kanilang likod-bahay. Sa masusing pagsusuri, nakumpirma na ito ay isang Projectile Japanese Type 89— isang uri ng bala na ginamit noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig.

Agad na nakipag-ugnayan ang istasyon sa 5th District Explosive Incident Response Team (EIRT) na nakabase sa Urdaneta City, Pangasinan.
Matagumpay na na-recover ng mga eksperto ang UXO para sa tamang pag-iingat at ligtas na pagtatapon alinsunod sa itinatag na pamamaraan ng Explosive Ordnance Disposal (EOD). | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Matagumpay na na-recover ng mga eksperto ang UXO para sa tamang pag-iingat at ligtas na pagtatapon alinsunod sa itinatag na pamamaraan ng Explosive Ordnance Disposal (EOD). | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments