Lider ng Socorro group, posibleng isailalim sa precautionary hold departure orders

Posibleng isailalim ng Department of Justice (DOJ) sa precautionary hold departure orders (PHDO) ang lider ng Socorro Bayanihan Services Inc. (SBSI) na si Jay Rence Quilario alyas Senior Agila kabilang ang iba pang miyembro ng Socorro.

Ayon kay DOJ Assistant Secretary Atty. Mico Clavano, ito ay upang matiyak na hindi makalalabas ng bansa ang mga respondent hangga’t hindi natatapos ang imbestigasyon ng DOJ.

Dagdag pa ni Clavano, naghain ng mosyon ang National Bureau of Investigation (NBI) sa panel of prosecutors para makapag-isyu ng PHDO, na iniisyu rin ng korte.


Kahapon, nagsumite ang NBI ng karagdagang ebidensya laban sa grupo, sa ginanap na clarificatory hearing ng DOJ.

Facebook Comments