
Isinailalim sa autopsy ang lima sa 19 na nasawi sa engkwentro sa Toboso, Negros Occidental.
Ayon sa forensic pathologist na si Dr. Raquel Fortun, kabilang sa isinailalim sa autopsy, ang dalawang babae at tatlong lalake na nasa edad 20s hanggang 40s.
Ayon kay Dr. Fortun, isa sa limang labi ang nauna nang nabigyan ng pangalan o kinilala bilang si Errol Wendel pero sa tulong ng kaanak at initial findings ng autopsy, hindi tumutugma ang damit, height at physical appearance ng bangkay kay Wendel kaya kinokonsidera na ito ngayon bilang unidentified adult male.
Bukod dito mariin din ang panawagan niya sa mga kaanak ng ilan pang nasawi na huwag i-cremate at kung maaari ay ipasuri pa ang bangkay kahit yung mga nailibing na.
Nadiskubre kasing tatlo sa limang na-autopsy ang may multiple gunshot wounds at may tama sa ulo.
Isa rin sa mga kinukuwestyon ngayon ni Dr. Fortun ay kung bakit sa likod ang tama ng mga nasawi kung confrontation ang nangyari.










