
Tinatayang mahigit 30 bank accounts nina Vice President Sara Duterte at Atty. Mans Carpio ang iniharap ng prosekusyon sa Day 35 ng impeachment trial ng bise presidente.
Sa pagtatanong ni Senator-Judge Tito Sotto III, hiniling niyang ilahad ang pinagsamang ending balance ng lahat ng bank accounts kada taon mula 2022 hanggang 2025.
Ayon kay Atty. James Ibrahim Alih, ang kabuuang ending balance ng mga account sa walong bangko ay P59.02 million noong 2022.
Umabot naman ito sa P71.38 million noong 2023, P22.24 million noong 2024, at P39.09 million noong 2025.
Ang mga halaga ng bank accounts na ito ay hindi nakadeklara sa Statement of Assets, Liabilities and Networth ni VP Duterte.
Facebook Comments










