MGA BAGONG PATROL VEHICLES, ITINURN-OVER NG PANGPPO

Itinurn-over ng Pangasinan Police Provincial Office ang anim na bagong patrol vehicles sa iba’t-ibang bayan sa probinsya.

Kahapon tinanggap ng bayan mula sa ikalimang distrito sa Camp Antonio Sison, Lingayen.

Ang naturang mga sasakyan na nagkakahalaga ng PHP 11.4 million pesos ay ipinamigay sa mga police stations ng ikalimang distrito partikular ang Alcala, Pozorrubio, Bautista, Binalonan, Laoac at Sto. Tomas.

Ayon kay Pangasinan PPO Provincial Director PCol. Rollyfer Capoquian, inaasahan nila ang mas mabilis na pagresponde sa mga krimen gayundin sa kanilang pagbabantay sa paparating na National at Local Elections

Hiling naman ni Capoquian na maalagaan ang mga patrol cars para at magamit nang matagal. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments